Categories: Personal

Ang mga babae talaga… Oo…

*grabe. usapang lalake* *sindi ng yosi* *hithit* *buga* Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni- muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba. *hinga ng malalim* Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag- aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal. *tingin sa stars* Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo? *tingin sa malayo* Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling- iling, at minsan, luhaan. Wala tayong magagawa, marami silang alibi. “Hindi pa ‘ko ready eh..”, “Sorry pero I think we should just be friends..”, “Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha..” “Better luck next time na lang muna, okay lang?”, “Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”, “Para lang kitang kapatid e..”, yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten. *kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok* At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo. Sila? Ummm? Teka, isipin ko. Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga. *kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok* Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun. *hinga ng malalim* Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina- inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka- mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal. *hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit* At ito pa ang pinakamasaklap. *singhot* Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘t Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong to, either sawa na sila, hindi nila tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Badtrip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod. At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang image naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak. *iiling* Tayo syempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-oofer sila ng friendship kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, player na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung paano ipagpaptuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-adjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog. Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsasalita? In-love ka no? Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak. Ang mga babae talaga, OO..

jehzlau

I'm a newbie web developer

View Comments

  • grabe naman ang article mo na yan.. hndi naman lahat ng babae ganoon ah! mushy??nyek! its natural lng po sa aming mga babae ang maging sensitive sa feeling.. sweet.. and so on and so forth.. hndi mushy ang twag doon.. pasalamat nga kayo at nilalambing pa kayo ng babae eh.. at eto pa Hindi sa lahat ng relationship.. ang babae ang nasusunod.. maling mali.. ang labas nun eh under ang lalaki. w/c is hndi naman tama.. isipin mo na lng.. meron bang relationship na may chemistry na L.O.V.E., na isang tao lng ang pwedeng makagawa?hmm.. wala!dahil according for me.. (haha!) ang isang relationship na isang tao lng ang nagsasakripisyo sa ngalang ng pag-ibig ay tinatawag na KA MARTIRAN.. pero mareremedyuhan pa naman yan eh.. yan ay kung willing ang isa sa kanila na isugal lahat alang alang sa pagmamahal niya para lang matauhan ang isa.

  • pero i think, in general, 90% ng babae ganun.. wahehehe.. sa palagay ko lang ha.. :D

  • madamdaming tagpo man kaau oi. morag dibdibang usapan na yan ah>>>>>... hehehehe. SAWI SA PAG IBIG ANG GUMAWEA NYAN 4 SURE!..... aahhhhhhhhhhhhhayayyyyyyyy

  • well.. siguro sa iba na nakaranas ng ganoon.. pero in my case.. i would not! love ko bf ko.. and love nya rin ako.. so merong understanding..

  • uu nga.. di naman yan in general.. hehehe.. mga 90% lang. wahehehe... konti lang kasi talaga yun tunay na nag mamahalan.. as in very few, very rare....

    kaya kung isa ka doon sa few na yun, dont ever think of lossing it.. sayang.. :D

  • Astig to! I agree in some and I don't agree naman elsewhere...

    Hindi naman siguro lahat ng girls ganon... Napaka Anti feminist ng post mo kuya.. hehe.. pero I agree more! hehe... Grabe, ang hirap nga namang manligaw, tapos lalo pa taung pahihirapan... Grrr...

  • hehehehe... oo nga karamihan sa babae ganun.. kaya pag di ganun yung nakilala mong pinaka mamahal mo... dont ever let her go.. rare na rare yan sa mundo :D... agree? hehehe

Share
Published by
jehzlau

Recent Posts

Convert your WordPress blog into a mobile app for free

If you're already an expert in "Progressive Web Apps" and you already have a mobile…

April 7, 2018

Philippines ranked 5th in Bitcoin volume by currency

Yep, you read it right. The Philippine currency (PHP / Pesos) ranked 5th in the…

November 3, 2017

Where to withdraw your Bitcoins in PH after the SegWit2x Hard Fork this November?

If you're using Coins.ph to convert your BTC to Philippine Pesos like me, then you…

October 22, 2017

Poloniex 101: Newbie’s Guide to Buying and Selling Cryptos in Poloniex

If you're already trading cryptos, then this post is NOT for you. This is a…

August 30, 2017

Why you should NOT buy Bitcoins from Coins.ph

I love Coins.ph, it's convenient to buy mobile load, pay bills, and to send cash…

May 23, 2017

Buy Ethereum’s ETH/ether in the Philippines

February 1, 2018 UPDATE The ETH wallet in the coins.ph Android app is now open…

May 1, 2017