Ang mga babae talaga… Oo…

*grabe. usapang lalake* *sindi ng yosi* *hithit* *buga* Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni- muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba. *hinga ng malalim* Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag- aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal. *tingin sa stars* Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo? *tingin sa malayo* Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max.Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling- iling, at minsan, luhaan. Wala tayong magagawa, marami silang alibi. “Hindi pa ‘ko ready eh..”, “Sorry pero I think we should just be friends..”, “Ha? Uhhmm..nagpapatawa ka ba? Hahahaha..” “Better luck next time na lang muna, okay lang?”, “Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..”, “Para lang kitang kapatid e..”, yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten. *kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok* At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo. Sila? Ummm? Teka, isipin ko. Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga. *kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok* Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun. *hinga ng malalim* Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina- inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka- mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal. *hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit* At ito pa ang pinakamasaklap. *singhot* Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong ‘t Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong to, either sawa na sila, hindi nila tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Badtrip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod. At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang image naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak. *iiling* Tayo syempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-oofer sila ng friendship kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, player na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung paano ipagpaptuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-adjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog. Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsasalita? In-love ka no? Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak. Ang mga babae talaga, OO..

More from my site

  • The Last Few Minutes…. Time runs so fast. I still can't believe that the physical body of the person closest to me has turned back into ashes. He's still with me, but he's now inside an urn. I wasn't able to […]
  • What is Muni Muni? Alam niyo ba kung anong ibig sabihin ng muni muni? Hmmm?? Sa mga di nakaka alam eto po ay pera. Ito ay nag originate sa isang arabo na naghahanap ng pera. Palagi niyang sinasabi na β€œMuni […]
  • Dare to fail I always fail.. hay... teka, pangit tingnan pag maikli lang ang post, kaya dudugtungan ko to, pero medyo humaba, magkwento nalang ako, isang araw, may isang bata, naglalakad sa kalye, may […]
  • Now I Know… (Ngayon alam ko na) Waaa... ngayon ko lang nalaman, nasa settings lang pala yung title field at link field, kaya pala wala akong title at link field, sa formatting settings ng blog na to, kainis talaga, […]
  • Want to Work at NASA? When I grow up, I want to be an Astronaut - A Kindergarten Student Stressed. Ikaw gusto mo bang maging Astronaut? or kahit anong work basta nasa NASA!? (redundant no? hehe, parang may pag […]
  • Nagaraya Bat nagaraya ang title kO? wala kasi me magawa kaya nagaraya nalang nilagay ko, ewan ko ba kung bakit, June 1 na pala, di ko alam bat naging june 1 na. kahapon may 31 pa lang eh, hehehe, […]

28 thoughts on “Ang mga babae talaga… Oo…

  1. grabe naman ang article mo na yan.. hndi naman lahat ng babae ganoon ah! mushy??nyek! its natural lng po sa aming mga babae ang maging sensitive sa feeling.. sweet.. and so on and so forth.. hndi mushy ang twag doon.. pasalamat nga kayo at nilalambing pa kayo ng babae eh.. at eto pa Hindi sa lahat ng relationship.. ang babae ang nasusunod.. maling mali.. ang labas nun eh under ang lalaki. w/c is hndi naman tama.. isipin mo na lng.. meron bang relationship na may chemistry na L.O.V.E., na isang tao lng ang pwedeng makagawa?hmm.. wala!dahil according for me.. (haha!) ang isang relationship na isang tao lng ang nagsasakripisyo sa ngalang ng pag-ibig ay tinatawag na KA MARTIRAN.. pero mareremedyuhan pa naman yan eh.. yan ay kung willing ang isa sa kanila na isugal lahat alang alang sa pagmamahal niya para lang matauhan ang isa.

  2. madamdaming tagpo man kaau oi. morag dibdibang usapan na yan ah>>>>>… hehehehe. SAWI SA PAG IBIG ANG GUMAWEA NYAN 4 SURE!….. aahhhhhhhhhhhhhayayyyyyyyy

  3. well.. siguro sa iba na nakaranas ng ganoon.. pero in my case.. i would not! love ko bf ko.. and love nya rin ako.. so merong understanding..

  4. uu nga.. di naman yan in general.. hehehe.. mga 90% lang. wahehehe… konti lang kasi talaga yun tunay na nag mamahalan.. as in very few, very rare….

    kaya kung isa ka doon sa few na yun, dont ever think of lossing it.. sayang.. πŸ˜€

  5. Astig to! I agree in some and I don’t agree naman elsewhere…

    Hindi naman siguro lahat ng girls ganon… Napaka Anti feminist ng post mo kuya.. hehe.. pero I agree more! hehe… Grabe, ang hirap nga namang manligaw, tapos lalo pa taung pahihirapan… Grrr…

  6. hehehehe… oo nga karamihan sa babae ganun.. kaya pag di ganun yung nakilala mong pinaka mamahal mo… dont ever let her go.. rare na rare yan sa mundo :D… agree? hehehe

  7. Haha, Haneeeeepppp.kakatawa naman itow ^_^
    Hmm… if im not mistaken, may Female version yan eh, Girls talk Vs. Boys,
    Ang totoo nyan, when boys court girls and we give you an answer na ” Sorry , im not ready to get into a relationship “
    what we really mean is ” Im ready, youre just NOT the right person “
    – excerpt from a magazine-
    kasi when girls fall, wala kaming binibigay na excuses… ^_^

  8. naks, ganun pala yun, Im ready, but ur not the right person>??? sakit pala.. wahehehe.. pero kelangan tanggapin ang katotohanan. wahahaha

  9. uu…totoo yun..ganun talaga.Kasi pag ako nainlove..love talaga kita…wala me isasagot sayo na “kasi ano eh..uhmm..Baleh ganito, magagalit mama kow, im not yet ready, pede friends lang muna??” at blah blah blah..ewan depende sa situation. If not allowed naman. Cnasabi ko mahal kita pero di tayo pedeng maging mag-on.
    The idea is ” alam nyang mahal mo xa pero di pede kasi bawal or ewan(malay)” at least yun excusable pah…
    Achu chu..*_*

  10. What do you mean nagbago? like mahal mo xa tas mamaya nawala, natauhan ka kasi bad pala taong yun..Amffffff…(
    Ewan..Love is just too complicated, ang hirap intindihin.
    ewan ko kung love nga yun. ( katangahan lang ata)grrrr.Kainis na buhay..amf

  11. may ganun talaga… kahit true love nag babago… πŸ™ ewan ko bat ganun… bat we cant stop it judy,,, we canTTTT!!:(

  12. Remember that:
    When we fall in love with someone, we dont want that feeling to end for it is everything we are, everything that we wanted to be. We pray that love will stay and grow in our hearts. But if it doesnt, then we should never let our lives be taken by it, for life should not end where heartaches begin.

  13. ehem….. may lalim….. isa lang naman ang alam kung cguro when it comes to love……”TRUE LOVE WAITS”. (”,)
    AAAAAAGGGGGRRRRRRREEEEEEEE????????

  14. I dunno, bastah..its just too hard to fall in love again. kahit sabihin pa ng mga tao na I should make myself available for everybody, magmahal naman ako iba, its not easy…Grrrrrr..(parang kengkoy ako if thats the case )ammf

  15. hmmm.. kaka amaze nman .. u know, its hard to express this kind of feeling..
    babae ako and there are some part where i do agree! pero, my mga part din na hindi..
    minsan kase kelangan naming kayong lubayan cause theres the state of what we called “coldness” , ito yung parang nawawala yung atraction ng isang tao sa kanyang partner..

    have someone experienced these?

    hmm hehe..

    sometimes its better to be good than to be nice!!

    mas ok na to’ kesa naman sa magkasama tayo ng dahil lang sa awa.. dba?

    -pakikonek na lng lahat ng mga pinagsasabi ko..hihi..napadaan lng kase eh..haha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *