Commute Tayo
Kakapagod pala mag commute from Manila to Alabang! Waaaah! Di ko na to kaya. 5:00AM palang dapat gising na me. Then log in sa Savant, tapos punta ng ADEC naku po 2 hours na byahe everyday! I travel daily na parang Sta. Maria (Isang bayan sa lalawigan ng Davao del Sur) to Davao City. Para sa mga di taga Davao, di kayo makaka relate gano kalayo araw araw ang biyahe para makapag work. hehehe…
Sasakay ng LRT, bababa sa Gil Puyat (Buendia), sasakay nanaman ng Bus Papuntang Ayala, Bababa nanaman sa Ayala at maglalakad ng mga 300 meters para makadating sa Train Station, este, Bus Station papuntang Alabang. Pagdating sa Alabang sasakay nanaman ng PUJ na Zapote para maka dating sa ADEC. Pag dating sa may Toyota na Factory, bababa na at mag lalakad papasok sa isang Village kung saan may Gate para makapasok ng American Data Exchange, whew! Hanep ang trip ko ang layo layo layo. Pero ok lang yun refund naman lahat pati pagkain at pamasahe ko, at habang nag byabyahe may sahod na, at habang pauwi may sahod parin, at hanggang sa makapag log out ako sa Manila Office. hehehe yun ang masaya, pero kakapagod nga lang. Nasanay kasi ako na ang office ay nasa harap lang ng boarding house, at isang minuto lang nasa office na me, at nasa harap pa ng SM yung office kaya another 1 minute nasa SM na me. Yun ang buhay doon, di tulad dito, bawal pagkain sa desktop, bawal tubig, bawal labas labas. Dapat per oras ang labas at monitored lahat ng kilos at galaw mo. Parang US Navy. Hehehe. yun lang po share ko lang ang moments of happiness ko dito. nyahahahah!