My Funniest Experience Ever!

Waaaaaaa…. nakakatawa talaga yung nangyari sa akin kahapon.. nag deposit me ng pera sa bpi nung payday yesterday. Pumasok sa bangko, nag fill up ng deposity slip, pumila, at binigay sa babae na incharge yung slip para ma deposit na. Pagkatapos nun after deposit lumabas na ako ng BPI at nag check ng account ko kung nag appear ba agad.. ayun nga nag appear na… weeeee… malaki laki narin na ipon ko pambili ng laptop, kaya yun masaya ako at nag ask na yung teller na do you want a receipt, press ko YES syempre.. tapos nun lumabas na ang resibo, almost 100k na.. ang saya.. tapos nun binuksan ko pitaka ko at nilagay ang resibo, at tiningnan ko ang pitaka ko… WAAAAAAAH!! wala na ang ATM Card ko??!? nasaan na? di ko alam bat nawala? dali dali akong nag check sa bulsa ko, sa front pocket at back pocket, left pocket, at right pocket, at lumingon sa baba, sa taas, sa kaliwa, sa kanan, at sa buong paligid, kinabahan ako, kung bat bigla nalang nawala ang ATM card ko, kaya pumasok agad ako sa bangko, at nag tanong tanong sa mga tao kung nasaan na ang ATM card ko, at tiningnan ko yung upuan, table, desk na may deposit slip, at sa mga taong pumipila baka nahulog ko ang ATM card ko, at lumapit sa guard kung may nakita sya. Tapos pawis na pawis na ako sa kakahanap at kaba. Bigla nalang sinabi ng isang guard na… “Sir, tumutunog po ang ATM sa labas, baka may naiwan ka pong card na di pa nakuha doon” kaya bigla akong lumabas,,.. at AYUN!!!!!!!!!! nandoon lang pala ang ATM card ko, di ko pa pala kinuha, resibo ko lang kinuha ko, at yung card iniwan ko lang, may memory gap na ata me.. hehehe. ang bata ko pa naman kalimutin na ako. Naaalala ko tuloy na resibo lang pala kinuha ko at hindi yung card. Kaya yun tumakbo na ako palayo ng bangko, baka ma alala pa nila mukha ko, mukha ng batang tanga. hehehe.. kalimutinnnnnnnn masyado as in :), la lang share ko lang baka may makabasa.. hehehe.. natawa talaga ako sa sarili ko, pati yung guardya ng BPI natawa.. hay.. kahiya talaga.. hmp!!

13 thoughts on “My Funniest Experience Ever!

Leave a Reply to Cai Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

five − four =

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.